Justice Sec. Aguirre binuweltahan ang paring si Robert Reyes matapos ang panawagan nitong magbitiw siya sa pwesto
Nagtataka si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kung bakit tahimik ang running priest na si Robert Reyes pagdating sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga paring katoliko.
Partikular na tinukoy ni Aguirre ang isyu ng mga pari na nangmomolestiya ng menor de edad, mga pari na nagiging ama at paring nagdadala ng menor de edad na babae sa mga motel at nangmomolestiya ng mga sakristan.
Ang pahayag ay ginawa ni Aguirre kasunod ng panawagan ni Reyes na magbitiw na ito bilang kalihim ng DOJ.
Ayon kay Aguirre, inirirespeto niya ang pananaw ng sinuman pero nanindigang mananatili siya sa posisyon hanggang may tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Duterte.
Ulat ni: Moira Encina