Justice Sec. Aguirre dapat kasuhan dahil sa walang basehang alegasyon
Iginiit ni Ifugao Cong. Teddy Baguilat na dapat ay mayroong magsampa ng kaso laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kasunod ito ng pagdawit ni Aguirre sa mga kapwa niya taga oposisyon sa teroristang Maute group.
Ayon kay Baguilat, kung walang mailalabas na ebidensiya sa kanyang mga bintang dapat ay may magsampa ng kaso laban rito.
Tinawag pa ni Baguilat si Aguirre na fabricator of dangerous lies.
Ginagamitaniya ng kalihim ang posisyon nito para bumuo ng conspiracy na ginagamit nito para bigyang katwiran ang pagpapakulong sa mga oposisyunista.
Pero wala namang maniniwala sa pagsasangkot nito kina Senador Antonio Trillanes, Senador Bam Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating Secretary Ronald Llamas na sinasabing nakipagpulong sa Marawi City noong May 2.
Si Aguirre, matapos ibandera sa media ang bagong alegasyon ay biglang kumambyo at nagsabing misquoted lamang siya ng media.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo