Justice Sec. Aguirre pagpapaliwanagin ng Senado sadesisyon nitong ibabasa homicide ang murder case vs Espinosa killers

Pagpapaliwanagin na ng mga Senador si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa desisyon nito na ibaba sa homicide mula sa murder ang kaso laban sa grupo ni Police Superintendent Marvin Marcos kaugnay ng pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Dismayado ang mga Senador dahil isa itong malaking insulto sa Senado.

Isa ang Senado sa mga nagrekomenda na sampahan ng murder si Espinosa at labingwalong iba pang tauhan ng PNP-CIDG sa Leyte matapos mapatunayan sa imbestigasyon na planado ang ginawang pagpatay kay Espinosa.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, malinaw sa mga testimonya at ebidensya na natanggap ng Senado na cold blooded murder ang nangyaring pagpatay kaya nakapagpatatakang pinahina pa ng DOJ ang kaso.

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagsilbi rin noon bilang Justice Secretary, isang malaking black eye sa Justice system ng bansa ang hakbang ng DOJ.

Tila pinangungunahan ng DOJ ang magiging desisyon ng korte at hindi na iginalang ang rule of law.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *