Justice Sec. Guevarra, naalarma sa pagdami ng Covid-19 cases sa DOJ
Posibleng palawigin pa ang lockdown sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay matapos nagpositibo sa COVID-19 ang 17 tauhan ng Witness Protection Program (WPP).
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inilagay na sa isolation ang mga COVID positive na WPP personnel.
Sa iisang gusali lang anya nanunuluyan ang nasabing 17 tauhan ng WPP.
Asymptomatic naman anya ang mga ito maliban sa isa.
Ang 17 new cases na ito ay iba pa sa 17 aktibong kaso na naiulat noong Huwebes.
Ikinalungkot at ikinaalarma din ni Guevarra ang pagdami ng bilang ng mga nahawahang tauhan ng DOJ.
Kaugnay nito, inihayag ng Justice Secretary na maaaring palawigin pa ang temporary lockdown sa kagawaran kung hindi mapipigilan ang pagtaas ng bilang COVID cases sa DOJ.
Moira Encina