Justice Sec. Menardo Guevarra kinumpirmang nagsumite na ng affidavit sa PNP si Peter Advincula alyas Bikoy
Maaari nang simulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon nito sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos magsumite na sa PNP ng sinumpaang salaysay at mga ebidensya si Advincula.
Kaugnay ito ng mga nasa likod ng Ang Totoo Narcolist videos na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.
Sinabi ni Guevarra na humingi na siya sa PNP ng kopya ng affidavit ni Advincula.
Ayon pa sa kalihim, maari na ring maghain si Advincula ng aplikasyon sa Witness Protection Program ng DOJ dahil mayroon na itong affidavit at pag-aaralan naman ito ng DOJ.
Sa ngayon ay nasa protective custody ng PNP si Advincula.
Ulat ni Moira Encina