Justice Sec. Menardo Guevarra, nilinaw na pansamantala lang ang paglipat sa marine barracks ng mga high-profile inmates na testigo laban kay Senador Leila de Lima
Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pansamantala lamang ang paglipat sa marine barracks sa Fort Bonifacio ng ilang high-profile inmates kabilang na ang mga testigo sa drug case ni Senador Leila de Lima.
Sinabi ng kalihim na para sa seguridad kaya inilipat pansamantala ang mga nasabing preso.
Ayon kay Guevarra, mas secure pa nga ang mga bilanggo sa marine barracks.
Pero tiniyak ni Guevarra na hindi ilalagay sa first class accomodation sa barracks ang mga naturang inmates.
Nasa sampung bilanggo mula sa building 14 sa Bilibid ang inilipat mula sa barracks.
Pirmado ng sinibak na Bucor chief na si Nicanor Faeldon ang Transfer of Confinement ng mga inmates.
Aminado ang kalihim na may nakarating sa kanyang impormasyon ukol sa planong pagtransfer sa barracks ng mga testigo laban kay De Lima.
Pero hindi niya alam na nailipat na pala ang mga preso sa barracks.
Ulat ni Moira Encina