Justice Sec. Menardo Guevarra wala pang napipiling irekomenda kapalit ng nagbitiw na si Usec. Markk Perete
Ibibigay muna pansamantala ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa ibang mga opisyal ng DOJ ang mga trabaho ng nagbitiw na si Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete.
Ito ay habang wala pang naitatalaga ang Malacañang na bagong undersecretary.
Ayon kay Guevarra, walang inirekomenda si Perete na pwedeng ihalili sa kanya sa posisyon.
Sinabi ng kalihim na siya na ang bahala na magrekomenda sa Palasyo nang ipapalit sa dating undersecretary.
Pero sa ngayon ay wala pa napipili si Guevarra na imungkahi sa Pangulo kaya iri-reassign muna niya ang mga responsibilidad ni Perete sa ibang DOJ officials.
Naghain ng resignation si Perete dahil sa mga personal at seryosong dahilan.
Mahigit dalawang taon siyang nanungkulan bilang DOJ undersecretary.
Si Guevarra ang nagrekomenda sa Malacañang kay Perete.
Moira Encina