Justice secretary Menardo Guevarra, magtatalaga ng OIC sa Bucor
Magtatalaga ng officer-in- charge sa Bureau of Corrections si Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ito ay habang wala pang nahihirang na hepe ng Bucor si Pangulong Duterte matapos na sibakin sa pwesto si dating Bucor director Nicanor Faeldon.
Ayon kay DOJ Undersecretary at spokesman Markk Perete, magrerekomenda rin si Guevarra sa Pangulo ng maaaring ilagay bilang pinuno ng Bucor.
Pinag-aaralan pa aniya ni Guevarra kung sino ang pwedeng irekomenda para humawak sa Bucor.
Sinabi ni Perete na pangunahin sa katangian na tinitingnan ni Guevarra sa pagpili ng irerekomenda ay ang integridad.
Samantala, inihayag ni Guevarra na ang pagtanggal ng Pangulo kay Faeldon ay inisyal na hakbang para maiwasan ang pagkalat ng aniyay ‘Dangerous Wildfire.’
Sinabi pa ni Guevarra na maaaring atasan niya ang NBI para tulungan ang PNP at AFP sa pagtunton sa mga pinalayang heinous crimes convicts.
Ulat ni Moira Encina