Justice Secretary Menardo Guevarra nilinaw na hindi pa lusot sa kasong estafa ang Japanese tycoon na si Kazuo Okada

Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi pa tuluyang lusot sa kasong estafa ang Japanese gaming tycoon na si Kazuo Okada.

Ito ay kahit anya ibinasura na ng piskalya sa Parañaque City ang reklamong Estafa laban kay Okada.

Sinabi ni Guevarra na maaring pang iapela ang resolusyon ni Parañaque City Prosecutor Amerhassan Paudac sa pamamagitan ng Motion for Reconsideration.

Bukod dito ayon sa kalihim, maaring maghain ng petition for review ang complainant na Tiger Resorts Leisure and Entertainment Incorporated.

Ayon kay Guevarra, pwedeng baligtarin ng DOJ ang pagbasura sa reklamo kapag nakitaan nila ng merito ang apela.

ang reklamo laban kay Okada ay nag-ugat dahil sa paratang na hindi otorisado paglustay ni Okada sa mahigit sampung milyong dolyar na pondong pag-aari ng Tiger Resorts sa pagitan ng 2016 at 2017.

Naging kontrobersyal ang resolusyon na pirmado ni Paudac dahil sa pagleak ng kopya nito sa taong di naman partido sa kaso.

Inatasan na ni Guevarra ang NBI na imbestigahan ang nagleak na resolusyon na naging dahilan para hawakan na rin ng DOJ ang imbestigasyon sa  estafa case laban kay Okada.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *