Justice Secretary Remulla nanindigan na hindi magbibitiw sa puwesto
Nanindigan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi siya magbibitiw sa puwesto sa kabila ng pagkakaaresto sa kaniyang anak dahil sa illegal drugs.
Ayon kay Remulla, hindi siya ang sasailalim sa paglilitis kundi ang kaniyang anak.
Mula nang maaresto hindi niya pa raw nakakausap ang kaniyang anak o sinumang abugado na humahawak sa kaso nito at wala siyang hiningan ng anumang pabor para tulungan ito.
Hindi rin aniya nagrereport sa kanya ang prosecutor general kaya wala siyang alam sa development ng kaso ng kanyang anak.
Ang kaniya instruction sa prosecutor, kung may resolusyon na sa kaso mas mabuting idaan na sa hukuman at hindi sa kanyang tanggapan
Sinabi pa ni Remulla, nakausap niya na si Pangulong Bongbong Marcos sa nagpaabot na nang simpatya sa kaniya pero pinagsabihan siyang ituloy ang kaniyang trabaho
Kung sa tingin niya hindi na siya epektibo sa kaniyang posisyon ipapaalam niya naman ito sa Pangulo.
Ang anak ng kalihim na si Juanito Jose Diaz Remulla III ay naaresto sa kanyang bahay sa Las piñas na aktong tinatanggap ang isang parcel na naglalaman ng illegal drugs na nagkakahalaga ng 1.25 million pesos.
Walang inirekomendang piyansa ang Las piñas Prosecutors Office para dito.
Meanne Corvera