Justice Secretary Remulla tiniyak sa UN High Commissioner for Refugees ang patuloy na suporta ng Pilipinas
Patuloy na susuportahan at makikipagtulungan ang Pilipinas sa ilalim ng Pamahalaang Marcos sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla sa pagdalo niya sa 73rd Session ng Executive Committee ng UNHCR sa Geneva, Switzerland.
Ayon kay Remulla, mahalaga na gumawa ng totoong aksyon at solidong plano at hindi lang “token gestures” para matiyak ang mas mabuting kinabukasan sa mga displaced at most vulnerable gaya ng kababaihan, mga bata, mga matatanda, persons with disabilities, at indigenous peoples.
Tiniyak din ng kalihim sa UNHCR ang kahandaan ng Pilipinas na patuloy na maging pinaka vocal na kaalyado ng organisasyon.
Binanggit ni Remulla ang matagal nang open-door policy ng Pilipinas para sa refugees at displaced people sa kabila ng mga seryosong hamon at domestic displacemeny ng sariling mamamayan bunsod ng climate change at internal armed conflict.
Nanawagan naman si Remulla sa UNHCR na bigyan ng patas na atensyon ang ibang krisis sa ibang rehiyon upang masiguro na walang refugee situation at walang hosting community ang nababalewala at hindi napupondohan.
Aniya, kailangan na bigyan ng sapat na suporta ang lahat ng hosting communities na totoong nagtatrabaho at pinagkakasya ang limitadong resources para matulungan ang mga nangangailangan.
Hinimok din ni Remulla ang UNHCR na bukod sa refugees ay dapat bigyan pansin ng organisasyon ang isyu ng climate change mitigation and adaptation,global food crisis at ang tumataas na implasyon sa trabaho nito.
Moira Encina