Justice Secretary Vitaliano Aguirre nagsorry na kay Sen. Bam Aquino
Humingi na nang paumanhin kay Sen. Bam Aquino si Justice Sec Vitaliano Aguirre matapos syang idawit sa Marawi siege.
Ayon kay Aquino, nagkausap na sila ni Aguirre sa telepono kahapon at humingi na ito ng patawad sa kanya.
Mismong si Aguirre aniya ang tumawag para magsorry.
Nauna nang idinawit ni Aguirre sina Aquino, Sen. Antonio Trillanes, Magdalo Rep Gary Alejano at dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino na si Gary Llamas sa kaguluhan sa Marawi.
Kaagad ding kumambyo si Aguirre sa ginawang alegasyon sa pagsasabing misquoted lamang siya ng media.
Ulat ni: Mean Corvera
Please follow and like us: