Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinagbibitiw na sa puwesto
Dapat umanong sibakin na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil sa kapalpakan sa paghawak ng mga kontrobersyal na kaso.
Hindi bilib si Senador Richard Gordon sa performance ni Aguirre dahil sa aniya’y mga kapalpakan nito.
Hindi aniya epektibo sa puwesto si Aguirre dahil bukod sa pag abswelto ng DOJ sa umaming drug lord na si Kerwin Espinosa dinismiss rin ang mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Tinukoy nito ang kasong isinampa laban kay dating Customs commissioner Nicanor Faeldon dahil sa pagkakadawit sa smuggling ng 604 kilos ng shabu mula sa China pero ibinasura rin ng DOJ.
Nakapagtataka aniya na ibinabasura ng DOJ ang kaso laban sa mga high profile drug personalities gayong matindi ang kampanya laban dito ng Pangulo.
“Unang una importanteng kaso ito lalo na ang policy ngPresidente ay labanan ang droga. Pangalawa magpakatunay kang abogado gamitin mo ang pagiging abogado mo pag kailangan i-file ang kaso, i-file”-Senator Gordon
Ulat ni Meanne Corvera