Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinagbibitiw sa puwesto dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan
Pinagbibitiw ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa puwesto si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II dahil sa pag-abuso umano sa kapangyarihan.
Ayon kay Pangilinan, ilang beses na umanong kinakitaan ng panggigipit ang DOJ sa mga kalaban ng administrasyon sa pulitika sa ilalim ni Aguirre, habang inaabswelto naman ang mga kakamping nagkakasala.
Inihalimbawa ng Senador ang nangyaring pagbawas ng isanlibong piso mula sa 50 milyong pisong ebidensya sa extortion money sa kaso ni Jack Lam na kinasasangkutan ng dalawang ka-brod nina Pangulong Duterte at Aguirre.
Ito’y para makaiwas sa isang non-bailable case ng Plunder.
Bukod dito, inabswelto rin ng DOJ ang mga drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa sa drug charges.
Ulat ni Meanne Corvera