Justice system ng bansa , dapat pagtiwalaan – Malacañang

Dapat ipaubaya na lamang sa Justice system ng bansa ang imbestigasyon sa pagkakapatay sa 17-anyos na si Kian Lloyd Delos Santos.

Ito ang naging panawagan ng Malacañang, isang araw matapos ilibing ang Grade 12 student na napatay sa anti-drug operation noong Agosto 16.

Naging matunog ang panawagan ng mga kaanak at mga dumalo sa libing ni Kian na wakasan na ang extrajudicial killings sa bansa at war on drugs ng Duterte administration.

Binigyang diin ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na kaya iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa pagkakapatay kay Kian na umano’y drug courier ay upang patunayan na hindi nito kinukunsinti ang anumang iligal na gawain o pagkakamali ng mga pulis.

Umaasa rin ang kalihim na magsisilbi itong babala sa mga nagpaaptupad ng batas para sundin ang mga naitatag na polisiya at operational procedures.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *