Justice Teresita de Castro, pinag-iinhibit na rin ni Chief Justice on-leave Sereno sa Quo warranto case laban sa kaniya
Pinag-i-inhibit na rin ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno si Associate Justice Teresita de Castro sa Quo Warranto case laban sa kanya.
Sa kanyang mosyon sa Korte Suprema, sinabi ni Sereno na na-prejudged na ni De Castro ang isyu ng validity ng kanyang appointment bilang Punong mahistrado.
Paulit-ulit anyang ipinakita o ipinahayag ni De Castro ang kanyang bias at personal animosity kay Sereno.
Aniya bago pa man ihain ng OSG ang Quo Warranto petition, inihayag na ni De Castro sa impeachment proceedings ng Kamara na dapat ma-diskwalipika si Sereno sa pagka-Chief Justice dahil sa hindi pagsusumite ng SALN nang mag-apply sa pwesto.
Inakusahan din aniya siya ni De Castro ng mga paglabag sa mga panuntunan sa SC at may mga insinuation sa kanyang Psychological fitness.
Dahil sa mga ito dapat aniyang mandatory ang diskwalipikasyon ni De Castro sa paglahok sa deliberasyon ng Supreme Court sa Quo warranto case alinsunod sa mga patakaran ng Korte Suprema at Hudikatura.
Ulat ni Moira Encina