Justice Usec. at Spokesperson Markk Perete nagbitiw sa pwesto
Nagbitiw na sa posisyon si Justice Undersecretary at Spokesperson Markk Perete.
Sa kanyang mensahe sa media, sinabi ni Perete na matapos ang malalimang pag-iisip ay nagpasya siya na isumite ang kanyang resignation sa DOJ.
Epektibo anya ngayong araw ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.
Ang dahilan anya ng kanyang pag-alis sa posisyon ay bunsod ng “serious reasons.”
Wala nang ibinigay na iba pang detalye si Perete ukol sa kanyang pagbibitiw.
Si Perete ay itinalaga bilang isa sa mga undersecretaries ng DOJ noong Hulyo 2018.
Pinili naman siya ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maging opisyal na tagapagsalita ng kagawaran noong Oktubre 2018.
Bago mahirang sa DOJ ay nagsilbing legal counsel sa isang malaking multinational company at nagturo sa ibat-ibang unibersidad si Perete.
After much thought, I have decided to submit my resignation from the DOJ effective today due to serious reasons. Thank you.
-Justice Usec. & Spokesperson Markk Perete
Moira Encina