K to 12 program dapat bigyan pa ng pagkakataon – PBEd
Sa halip na bigyan ng bagsak na grado, dapat muna umanong bigyan ng pagkakataon ang K to 12 program.
Paliwanag ni Justine Raagas, executive director ng Philippine Business for Education (PBEd), kung tutuusin ay noong nakaraang taon lamang nagtapos ang mga graduate ng K to 12.
Sinabi ni Raagas, “We have to think about the fact that K to 12 is the 1st entrance to the system and only joined in 2012. Meaning yung mga graduate ng buong K to 12 system, kaka-graduate lang nila nung 2022.”
Ang mga sinasabing hindi nakakuha ng trabaho ay iyon aniyang mga graduate ng K to 10.
Sinabi ni Raagas na dapat ding linawin kung ano ang dahilan at sinabing bigo ang K to 12, at sa dahilan kung bakit ito binuo.
Giit ng grupo, hindi rin dapat isisi sa sektor ng edukasyon ang problema.
Ayon kay Raagas, “It was the height of the pandemic, ang daming job losses. Even to those who graduated college. Second is that for those who graduate in senior high school, business also has an aversion or feels doubtful about the high school degree.”
Una rito, pinuri ni Raagas ang ginagawang review ng Department of Education sa kasalukuyang K to12 program.
Naniniwala rin sya na dapat makasama ang pribadong sektor sa mga konsultasyon patungkol sa ilang curriculum subject.
Madelyn Villar