Kabayanihan at sakripisyo ng mga Medical Frontliner kinilala ngayong Araw ng Kagitingan
Naglabas ng mensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa Araw ng Kagitingan.
Sinabi ng Pangulo na hindi dapat kalimutan ang sakripisyo ng mga sudalong nagtanggol sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Ayon sa Pangulo karapat-dapat din na bigyang pugay ang kabayanihan ng mga Medical Frontliners na nagsasakripisyo para magapi ang Pandemya ng COVID 19.
Inihayag ng Pangulo ang mga Healthcare workers ay maihahalintulad sa mga sundalong lumaban sa Bataan na bagamat may pagbagsak ay muling babangon para ituloy ang laban hanggang sa makamit ang tagumpay.
Naniniwala ang Pangulo sa katatagan ng bawat Filipino na sagupain at mapagtagumpayan ang anumang hamon at pagsubok sa buhay para ipakitang karapat-dapat sa pagmamana ng bansang malaya na pinagbuwisan ng buhay ng mga bayani ng Bayan.
Vic Somintac