Kabayanihan ng SAF 44, hindi dapat kalimutan-Malakanyang
Ipinaalala ng Malakanyang sa publiko na hindi dapat kalimutan ang kabayanihan ng SAF 44 na namatay sa Mamasapano, Maguindanao, tatlong taon na ang nakalilipas.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay inaalala ang kabayanihan ng SAF 44.
Inihayag ni Andanar na upang hindi malimutan ang kabayanihan ng nasabing mga pulis ay inilabas niya ang Proclamation No. 165.
Ang nasabing proclamation ay nagdedeklarang National Day of Remembrance ang January 25 upang kilalanin ang kabayanihan ng SAF 44.
Umaasa si Andanar na mabibigyan ng katarungan ang kamatayan ng mga bayaning pulis.
Ulat ni Vic Somintac
===end ===