Kabuuang 3,000 Pinoy mula UAE, nakauwi na ng bansa ngayong panahon ng Pandemya
Nasa kabuuang 3,000 Filipino mula United Arab Emirates ang nakauwi na ng Pilipinas simula nang mag-umpisa ang Covid-19 Pandemic.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang dito ang 359 overseas Filipino na nakauwi ng bansa kahapon sa pamamagitan ng special chartered flight.
Ang 7th special chartered flight ay lumapag sa Davao International Airport.
Kabilang sa mga umuwing Pinoy ang 112 buntis at 12 person with disabilities.
Ang matagumpay na repatriation ay magkatuwang na pinangunahan ng DFA sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), sa tulong ng Philippine Embassy in Abu Dhabi, the Philippine Consulate General sa Dubai, at Regional Consular Office sa Davao (DFA RCO Davao).
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola, sinisikap nilang mapauwi ng bansa ang mga kababayan ating naapektuhan ng Pandemya lalu na ang mga buntis at may kapansanan na binibigyan nila ng special consideration.
Maliban sa libreng return flight ticket, libreng quarantine facility at swab test, pinagkalooban din ang mga umuwing Pinoy ng 10,000 pisong reintegration assistance alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at rekomendasyon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr.