Kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa DOJ, umabot na sa 35
Aabot na sa 35 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Department of Justice o DOJ.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mula sa nasabing bilang ay 18 ang naitala noong nakaraang taon na nahawahan ng virus habang 17 na agad ngayong Marso pa lang ng 2021.
Ang nasabing 17 ay ang aktibong kaso na binabantayan ng DOJ.
Mula sa limang active COVID cases noong Biyernes ng nakaraang linggo ay umakyat nga ito sa 17 makaraang madagdagan ng 12 mula Lunes hanggang Huwebes.
Kaugnay nito, muling naka-lockdown ang DOJ at ipinapatupad ang work from home arrangement hanggang sa susunod na Martes.
Moira Encina
Please follow and like us: