Kadiwa ni Ani at Kita Community Pantry ng Dept. of Agriculture Calabarzon, ilulunsad ngayong araw sa Lipa City Batangas.
Ilulunsad ngayong araw sa Lipa City Batangas ang Kadiwa ni Ani at Kita Community Pantry ng Dept. of Agriculture Calabarzon.
Isasagawa ito sa Lipa City Agricultural Research and Experiment Station ng Dept. of Agriculture Region 4a.
Nasa mahigit dalawang daang indigent recipients naman ang inaasahang mabibigyan ng libreng bigas, de-lata at mga gulay mula mga barangay ng Sabang, Dagatan, Maraoy, at Brgy. Balintawak sa Lipa Batangas.
Layunin nitong makatulong ang ahensya sa mga residente sa Lipa Batangas na tuwirang nangangailangan ng tulong lalo na para sa pang araw-araw nilang pamumuhay ngayong may pandemiya sa bansa bunsod ng Covid 19.
Ang mga bigas at gulay naman na ipamamahagi sa mga indigent recipients sa lungsod ay binili ng D.A region 4a sa mga magsasaka sa Batangas province.