Kaganapan sa makasaysayang inagurasyon ng bagong Pangulo ng Pilipinas
Naihalal na ang ika-labimpitong Presidente ng Pilipinas.
Narito ang mga naging kaganapan sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Alas-10:20 ng umaga nang umakyat sa palasyo ng Malacañang si PBBM na mainit na sinalubong ni PRRD.
Alas-10:27 ng umaga ay dumiretso sa paglagda sa guest book, si PBBM bilang huling bisita ni PRRD sa Malacañang.
Alas-10:28 ng umaga ay inestima ni PRRD ang ika-17 pangulo at nag-usap sa loob ng pitong minuto. Ipinagpalagay na mayroong last minute na bilin si PRRD kay Marcos.
Alas 10:36 ng umaga ay nakita ang simbolikong pagbaba sa hagdan ng palasyo kung saan unang humakbang pababa si PRRD.
Alas 10:38 ng umaga ay binigyan ng Departure of honor ang ika-16 Pangulo ng Pilipinas.
Alas-10:45 ng umaga ay parehong binati ng gabinete ni Duterte ang paalis na Pangulo at si PBBM.
Alas 10:48 ng umaga ay sumakay na ng Presidential vehicle si Pangulong Duterte at nilisan na ang Malacañang.
Alas 10:59 ng umaga ng dumating naman si Dating unang ginang Imelda Marcos sa National Museum.
Alas 11:26 ng umaga nang dumating sa National museum si PBBM mula sa Malacañang. lulan ng silver na mercedez benz, bago huminto sa nasabing gusali ay nakitang kumakaway si first lady Liza Araneta-Marcos.
Ang Actress at TV host na si Toni Gonzaga naman ang kumanta ng Pambansang Awit na Lupang Hinirang.
Makaraan ang awitin ay ipinanalangin si PBBM ni Kapatid na Edwil Zabala, ang tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo at maging ng ibang religious organization.
Suot ng first family ang likha ng pamosong designer na si Pepito Albert habang ang mag-inang dating first lady Imelda Marcos ,Senador Imee Marcos na nakasuot ng kulay bughaw.
Alas 11:37 ng umaga ay sinimulan na ang makatindig balahibong Military Civil Parade na nagsimula ng pagparada ng tatlong major units ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.
Mistulang ibinida ng Duterte Administrasyon kay PBBM ang ipinatupad na modernisasyon sa militar dahil sa showcase ng mga makabagong sasakyan ng mga sundalo. Patok naman ang Military fly by ng Philippine Airforce.
Subalit ang nagpatayo sa upuan ni PBBM at sa pamilya nito ang parada ng frontliners na kinabibilangan ng mga health workers, ofws, at atleta.
Ang kaganapan sa National Museum ay mapanonood sa anim na led screens sa paligid nito upang ang ibang supporter na malayo sa venue ay mapanonood nang mabuti in real time ang nagaganap sa inagurasyon ni PBBM.
Eksakto alas-12 ay nanumpa ng katapatan ang tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas at ipagtatanggol ang konstitusyon ng Pilipinas.
Alas 11:57 binasa na ni Senate President Vicente Tito Sotto III, ang resolusyon na nagpoproklama kay PBBM bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
Alas 12:05 ng tanghali ay nagtalumpati na si PBBM.
Natapos naman ang kaniyang talumpati eksaktong alas-dose y media ng tanghali.