Kagandahan ng Albay, patuloy na dinarayo….bilang ng mga turistang nagtutungo doon, umaabot ng 1.2 milyon taun-taon
Taun-taon umaabot sa 1.2 milyong turista ang dumadagsa sa Albay.
Bukod sa Bulkang Mayon, agrikultura ang isa sa pangunahing ginagamit nila para mahikayat ang mga turista.
Isa kasi ang Albay sa mga mayaman sa pananim gaya ng niyog, bigas, abaka at ang pinaka tampok na sili.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ang paggawa ng mga handicraft mula sa dahon ng karagumay tulad ng bag at banig.
Kilala rin sila sa mga pagkaing magata at maanghang tulad ng pinangat, bicol express at chili ice cream.
Pero para pumatok sa panlasa ng mga dayuhang turista, tuloy raw ang pagtuklas nila ng mga international cuisine at mga pagkaing pasok sa pansalang pinoy gamit ang mga sangkap mula sa kanilang mga pananim.
Ayon kay Albay Provincial tourism officer Dorothy Colle, dapat mayroong konting initiative para maisulong ang agri-tourism for food sufficiency para yung mga residente na nabubuhay sa agriculture at agri-tourism mas mabigyan sila ng economic opportunity.
Isa na rito aniya ang karaniwang suman na isinasawsaw asukal, pero nilagyan ito ng twist at ginawang churos.
Kanina lumahok ang mga residente at maraming negosyante ng Albay sa Food and Travel fair o KAIN NA ng Department of Tourism (DOT).
Ginawa ng DOT ang proyekto para matutukan pa at mai-promote ang mga Filipino cuisine kasabay ng pagtuklas sa mga Tourist destinations.
Tampok rito ang mga local dishes, farm products at mga farm cooperatives na layong tulungan ang mga ordinaryong magsasaka at i-angat ang kanilang ekonomiya.
Ulat ni Meanne Corvera