Kahalagahan ng Araw ng Kalayaan, dapat gunitain ng mga filipino
Isa sa dapat laging gunitain at maintindihan ng Pilipinas lalo na ng mga kabataan ay ang kahalagahan ng deklarasyon ng Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo a-dose.
Ayon kay Professor Xiao Chua, isang historyador, isa ang pangyayaring ito sa nagpabago sa ating kasaysayan.
Ang mga orihinal na dokumento ng deklarasyon na matatagpuan ngayon sa National Library na nilagdaan mismo ng mga tauhan ni Heneral Emilio Aguinaldo na nagpapatunay na naganap noong June 12, 1898 ang makasaysayang araw.
Isa pa aniya sa mga makasaysayan at orihinal na dokumentong naka-preserba sa National Library na itinuturing na nagpabago sa Pilipinas ay ang mga sulat ng ating mga bayani gaya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal at ang mga selyo ng “Hari ng Bayan ng katagalugan” na nagpapatunay na naging Pangulo ng Pilipinas noon si Gat Andres Bonifacio at ito ay matatagpuan naman sa Leon gallery ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas.