Kahalagahan ng EDCA napatunayan na sa nangyaring oil spill sa Mindoro
Nararamdaman na raw ngayon ng mga Pilipino ang pakinabang sa Enhance Defense Cooperation Agreement sa nararanasang oil spill sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.
Tinukoy ni Senador Francis Tolentino ang tulong na ginagawa ngayon ng Estados Unidos at ng bansang Japan kahit hindi pa ganap na nagiging tratado ang EDCA sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Nakikita aniya ang kahalagahan ng allied countries sa ganitong uri ng trahedya na maaasahan sa pagbibigay ng tulong lalo na sa panahon ng kalamidad.
Kinumpirma rin ni Tolentino na siya mismo ang sumulat sa Japanese Embassy para humingi ng tulong sa paglilinis ng oil spill sa Mindoro.
Ibinalita rin ng Senador sa darating na linggo may parating na mga malalaking equipment ang bansang Japan para sa paglilnis ng mga kumalat na langis.
Meanne Corvera