Kahalagahan ng pagiging ligtas ng pagkain lalo na ngayong tag init
Marami na ang nagbabalak na mag outing at kahit family gatherings ngayong tag-init o summer.
Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) -DOST, mahalagang isinasama sa pagpa plano ang kaligtasan ng mga pagkaing babaunin.
Hindi dapat na kalimutan ang food safety o kaligtasan ng pagkain sa panahon ng tag-init o summer.
Nagpapaala ang FNRI na dapat laging malinis, mula sa paghahanda hanggang sa pagkonsumo.
Bukod dito, unahing kainin ang mga pagkaing madaling masira at ihuli ang mga pagkaing di madaling masira.
Hugasang mabuti ang prutas at gulay bago balutin .
Kung mag-iihaw, panatilihin muna ang pagkaing iihawin sa loob ng cooler at ilabas lang kung kailan iihawin na ang mga ito.
Kung maghahanda ng pagkain, panatilihing malinis ang lahat ng kagamitan, maghugas ng kamay bago hawakan ang pagkain.
Ilagay sa malinis na lalagyan ang inihaw na pagkain, huwag gumamit ng parehong pinggan para sa hilaw at lutong pagkain.
Tiyaking malinis ang tubig na iinumin.
Ilan lamang ito sa tips upang maingatan ang kalusugan lalo na sa panahon ng tag-init.
Ulat ni Belle Surara