June 12, 1898, makasaysayang araw na nagpabago sa Pilipinas- Prof. Xiao Chua

Isa sa dapat laging gunitain at maintindihan ng Pilipinas lalu na ng mga kabataan ay ang kahalagahan ng deklarasyon ng Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12.

Ayon kay Professor Xiao Chua, isang historyador, isa ang pangyayaring ito sa nagpabago sa ating kasaysayan.

Ang mga orihinal na dokumento ng deklarasyon na matatagpuan ngayon sa National library na nilagdaan mismo ng mga tauhan ni Heneral Emilio Aguinaldo na nagpapatunay na naganap noong June 12, 1898 ang makasaysayang araw.

Ang declaration of Philippine Independence ay ipinakita sa akin ng National Library at ito pong deklarasyon ay pinirmahan ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo na ipinroklama noong June 12, 1898″- Prof. Xiao Chua

Isa pa aniya sa mga makasaysayan at orihinal na dokumentong naka-preserba sa National Library na itinuturing na nagpabago sa Pilipinas ay ang mga sulat ng ating mga bayani gaya ng Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal at ang mga selyo ng “Hari ng bayan ng Katagalugan” na nagpapatunay na naging pangulo ng Pilipinas noon si Gat Andres Bonifacio at ito ay matatagpuan naman sa Leon gallery ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *