Kahandaan ng gobyerno sa paglaban sa Monkeypox nais ipabusisi sa Senado
Nais alamin ng mga Senador ang kahandaan ng gobyerno sa Monkeypox.
Naghain na ng Senate Resolution no 85 sina Senador Bong Go at Robin Padilla para hilingin na magsagawa ng pagdinig ang Committee on Health and Demography hinggil sa nakakahawang sakit..
Sinabi ng mga Senador na kailangan malaman ang paghahanda ng gobyerno laban sa Monkeypox lalo ngayong bumabangon pa lang ang bansa sa epekto ng COVID- 19.
Kailangan anilang maging malinaw ang patakaran ng pamahalaan para tugunan ang public health emergency .
Nauna nang idineklara ng World Health Organization ang Monkeypox outbreak bilang global health emergency.
Meanne Corvera