Kahilingan na pagsibak sa puwesto kay Bucor Director Nicanor Faeldon, nasa kamay na ni Pangulong Duterte- Malakanyang
Nasa kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mananatili o sisibakin si Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon.
Ito ang tugon ng Malakanyang sa panawagan ng ilang mga senador na sibakin na si Faeldon sa Bureau of Corrections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pang sinasabi si Pangulong Duterte hinggil sa panibagong kontrobersiya na kinasasangkutan ni Faeldon.
Ayon kay Panelo tanging ang Pangulo lamang ang makapagdedesisyon sa kapalaran ni Faeldon.
Si Faeldon ay nasa hot water ngayon dahil sa pagpapalaya sa kulang-kulang dalawang libong convicted criminals na nahatulan dahil sa pagkakasangkot sa heinous crime sa pamamagitan ng Republic Act 10593 o Good Conduct Time Allowance Law.
Umugong ang isyu sa Bureau of Corrections dahil napabilang si dating Calauan Laguna Mayor at convicted rapist murderer Antonio Sanchez.
Ulat ni Vic Somintac