Kahit Maputi Na Ang Hair
Anyeong chingu! (hello friends), pasensya na at carried away pa rin ako sa napanood kong korean drama ( Suspicious Partner ).
Anyways, ang gusto kong maishare na impormasyon sa inyo ay tungkol sa pagpapaganda. Sino ba naman sa atin ang ayaw na maging maganda lalo na sa paningin ng ating asawa, hindi ba? Kaya lang ang problema ay tumatanda na, nagkakaedad na! Kaya nga gaya naman ng ating ginagawa, nagtatanong tayo sa mga eksperto, o sa espesyalista.
Kailangan natin ng isang dermatologist at ang nakausap natin ay si Dra. Ellaine Eusebio-Galvez, narito ang bahagi ng kanyang mga sinabi ukol sa kagandahan…
Marami ng paraan ngayon para gumanda kahit may edad ka na. Ang sabi nga, age is just a number. Marami ng pwedeng gawin to delay the aging process. Ang pagtanda anya ay katotohanan ng buhay, pero, dahil nga may modern technology na kaya hindi na dapat nababahala. Unahin natin, ano ba ang pinagmumulan ng aging? Meron anyang tinatawag na intrinsic at extrinsic ageing. Kapag sinabing intrinsic, ito ang naturalesa ng katawan natin habang nagkakaedad, ang sarili nating collagen at hormones ay nagkakaron ng pagbabago. ‘Yun dating youthful na itsura (ikaw ay nasa 20’s), ay nagbabago na. Actually, kapag sumapit na sa edad 30 ay nagsisimula na ang pagbabago. Ano naman ang pagbabago dahil sa extrinsic factors? Ito yung sun exposure. Ang laging pagpapaaraw at hindi paglalagay ng protection. Ang lifestyle na laging nagpupuyat, o hindi tama ang pagkain, extrinsic factors ang mga ito. Sabi nga ni Doc Ellaine kahit makulimlim, ang ultraviolet rays ay pumapasok pa rin sa ating balat. Kaya dapat maglagay pa rin ng sunscreen protection, magpayong kapag lalabas ng bahay para ma-block ang ultraviolet rays at ma-delay ang aging process.
Paalala ni Doc Ellaine na mahalagang magpakonsulta sa dermatologist lalo na’t nais na ma-prevent ang sagging skin, wrinkles or lines. Habang nagkakaedad, ang ating balat ay numinipis, nagkakaron ng pigmentation, nagkaka wrinkles, nagkakaron ng eyebags. Mga pagbabago na pwedeng gawan ng paraan. Halimbawa, sa pamamagitan ng dermabrasion, diamond peel, chemical peels, o micro peels. Ito ang nag-e-exfoliate ng ating skin to promote collagen. At ang maganda sa ngayon ay hindi na sobrang nagbabalat unlike before.
Ngayon, kapag nagpa skin treatment ka, hindi na halata, ang mapapansin ay bumabata ka. Bagaman pwede pa ring makaramdaman ng konting itchiness o pangangati pero, sandali lang yun ( 2 -3 minutes) tapos mawawala na rin. Pwede rin ang paggamit ng laser. Makipag-usap lang sa inyong dermatologist kung anong treatment ang nararapat swak din sa inyong budget. So, marami ng treatment options para maging youthful ang ating hitsura.
Bilang dagdag kaalaman lang, na iba-iba po tayo ng balat at 80 percent ng balat natin ay dependent sa genes, at yung 20% ay environmental. Thank you, Doc Ellaine! Sana nakatulong sa inyo mga kapitbahay ang naging topic natin, until next time!