Kahon-kahong itlog tinangkang ilabas ng Pampanga

Ilang poultry owners ang nagtangkang maglabas ng kahon-kahong itlog ng pugo, manok at iba pang poultry products palabas ng San Luis, Pampanga.

Ngunit  naharang at nasabat ito sa animal quarantine checkpoint.

Una rito, ipinagbawal muna ng Department of Agriculture ang pagbiyahe ng mga manok at iba pang poultry products dahil sa bird flu outbreak.

Target din ng DA na  patayin ang mahigit 100,000 manok at iba pang poultry products na maaring maging sanhi ng pagkalat ng bird flu virus.

Sinimulan na rin ng Poultry Farm sa barangay San Carlos sa bayan ng San Luis ang culling at depopulation sa halos 10,000  manok.

Itinigil na rin pansamantala ang pagbebenta ng mga manok sa palengke ng San Luis.

Samantala, kapag napatunayan naman na galing sa Luzon ang mga itinitindang manok sa mga palengke, kukumpiskahin ang mga ito kahit may permit.

Ulat ni: Lynn Shayne T. Fetizanan

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *