Kailangan managot ang mga opisyal ng LTFRB dahil sa mga katiwalian – Sen. Grace Poe
Ipinasususinde muna ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation ang modernization program ng mga Public Utility Vehicle
Ito’y habang ini-imbestigahan ang nabunyag na umano’y lagayan sa Land Tansportation Franchising and Regulatory Board.
Nauna nang nagbunyag ang umabot pagbibigay ng lagay ng mga transport operators kapalit ng prangkisa, paglilipat ng linya ng biyahe, board resolution at iba pa na nagkakahalaga ng limang milyong piso
Ayon kay Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services, kailangang managot ang mga opisyal ng LTFRB na dawit sa katiwalian
“Erring officials must be held accountable for bungling a very critical program of the transport sector. We hope that while investigating those involved, at the same time the modernization program is also being prepared to improve the livelihood of drivers and provide proper service to commuters.” pahayag ni Senador Grace Poe
Sa pagnanais aniya na maging moderno ang mga PUV sa bansa, dapat tiyakin na ang proseso ay patas at makatao.
Dimasyado ang Senador dahil hindi pa halos nakakausad ang modernization program mula sa iba’t ibang isyu ay mababahiran pa ito ngayon ng korapsyon…
Umaasa si Poe na kasabay ng pag-iimbestiga sa mga sangkot sa isyu ay inaayos din ang modernization program para matiyak na tunay nitong mapapabuti ang kabuhayan ng mga drayber at makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.
“Umaasa tayo na habang iniimbestigahan ang mga sangkot, inaayos din ang modernization program na magpapabuti sa kabuhayan ng mga drayber at magbibigay ng maayos na serbisyo sa mga commuter.” dagdag pa ng mambabatas
Meanne Corvera