Kakaibang cloud formation, nasaksihan sa Camarines Sur
Isang uri ng cloud formation ang nakita sa Pili, Camarines Sur kahapon ng hapon (Linggo) habang papalapit ang bagyong Bising.
Sa kuha ni Camarines Sur correspondent Orlando Encinares, makikita ang malaking bulto ng mga ulap na hindi karaniwang nasasaksihan sa bansa.
Ayon sa atmospheric physicist na si Gerry Bagtasa, PhD, deputy director for research at associate profesor ng UP Institute of Environmental Science & Meteorology, ang cloud formation na nasa larawan ay maaaring isang special type formation ng Cumulus clouds na tinatawag ring “Super Cell.”
Ang “SuperCell” aniya ay isang malaking thunderstorm cloud, batay sa laki nito at sa rotation ng hangin na maaaring nakapaloob sa isang bagyo.
Sa US, ang mga ganitong super cell aniya ang madalas na pinagmumulan ng tornadoes sa Mid-West.
Kaninang umaga ay naranasan ang malalakas na hagupit ng hangin sa Masbate na naging sanhi ng pagbagsak ng ilang poste ng kuryente na naging sanhi ng brownout sa ilang bayan sa nasabing lalawigan.