Kakapusan ng suplay ng kuryente sa Luzon grid, pinangangambahan
Nababahala ang isang Climate and Energy Policy Group sa posibleng kakulangan ng suplay ng kuryente sa Luzon grid lalo na sa papalapit na eleksyon.
Batay sa report ng Institute of Climate and Sustainable Cities (ICSC), posible ang blackout sa ikalawang quarter ng taon dahil sa kulang na 1,335 megawatts.
Nakabase ang projection sa kasalukuyang power reserves ng bansa maging ang reports mula sa Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Please follow and like us: