Kakulangan ng Calcium, Potassium at Sodium, maaaring maging sanhi ng pamamanhid – ayon sa eksperto
Malaki ang posibilidad na maranasan ang pamamanhid o pamimitig sa ibat’ibang bahagi ng katawan kabilang dito ang kamay at paa.
Ayon sa eksperto, karaniwang dahilan ay ang naiipit na ugat o nerves.
Bagaman, kapag iginalaw galaw ang namamanhid na bahagi ng katawan, babalik naman makaraan ang ilang segundo.
Paliwanag ng eksperto, posible na mababa ang lebel ng electrolytes sa dugo tulad ng Calcium, Potassium at Sodium.
Bukod dito, ang malabis na paninigarilyo at pag inom ng alak ay nakasisira ng ugat kaya malaki din ang tsansang maapektuhan nito ang nerves.
Payo ng eksperto, mahalagang ipasuri ito sa pamamagitan ng laboratory tests.
Ulat ni Belle Surara