Kakulangan ng NFA rice kinumpirma ng National Food Authority

Workers carry sacks of rice in the National Food Authority (NFA) warehouse in Taguig city, metro Manila, February 11, 2010. The Philippines may import a record volume of rice this year after a government panel raised the import limit of the world's biggest buyer to more than 3 million tonnes, from 2.4 million, as an ongoing dry spell threatens crops. REUTERS/Romeo Ranoco

Nananatiling mababa ang supply ng NFA rice sa bansa.

Sa panayam ng Radyo Agila DZEC , sinabi ni Rebecca Olarte , tagapagsalita ng National Food Authority o NFA , sa ngayon ay pang dalawang araw na lamang ang stock na bigas ng N-F-A.

Alam nyo po na totoo pong mababa na, kasi two days na lang po ang stock sa ngayon, ang two days naman na iyon ay nakabase daily food consumption requirements, ibig sabihin kung NFA lang ang magpapakain sa buong Pilipinas, talagang kukulangin ang ating stock”

Ayon kay Olarte mas binibigyang prayoridad ngayon ng NFA sa distribusyon ng bigas ang mga sinalanta ng kalamidad , lalo na ang mga apektado ng pag-aalburoto ng Mt. Mayon.

Bagamat kulang sa suplay,sinabi ni Olarte na nabigyan naman sila ng standby authority para mag-import ng 250,000 metric tons upang mapunan ang buffer stock ng NFA.

Kaya sa ngayon ina-allocate ng NFA yung pagpapadala nito doon sa mga higit na nangangailangan, so sa priority list po namin, number one, isi-net set aside para sa calamity areas. yung tinatamaan ng kalamidad kagaya ng pumuputok ngayon ang Mt. Mayon. so mayroon tayong nakatutok ngayon doon

sinulat ni Jet Hilario

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *