Kakulangan sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa Boracay Island, isa sa mga problemang pangkapaligiran sa isla

Isa sa tinitingnang dahilan kung bakit lumala ang problemang pangkapaligiran sa Boracay island ay ang kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad sa batas ng mga nasa local government units sa naturang isla.

Sa panayam ng programang Asean in Focus kay Ms. Joyce Alumno, President at CEO ng Healthcore, sinabi nitong sa mga bumibisitang turista sa pilipinas, 1/3 nito o katumbas ng mahigit 2 milyong turista ang nagpupunta sa Boracay lamang.

Kulang din aniya sa promosyon ang bansa sa iba pang mga Tourist destinations sa Pilipinas kaya naman na- over exposed ang Boracay na isa lamang maliit na isla.

Ayon pa kay Ms. Alumno, tama lang ang naging pasya ni Pangulong Duterte na ipasara at i-rehabilitate ang Boracay sa loob ng dalawang buwan.

Mainam na rin aniya ang ginawang ito ng Pangulong Duterte para maisalba at maibalik sa dati ang ganda at sigla ng isla at pagkatapos ay isinunod namang ayusin o i-rehabilitate din ang iba pang isla na dinarayo ng mga turista.

Ang nangyari aniya ngayon sa Boracay ay magsilbi sanang wake up call sa lahat ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan lalo na sa lokal na pamahalaan ng Boracay.

Panahon na rin aniya para makipagtulungan din ang mga nasa Local Government unit ang Department of Tourism sa istriktong pagpapatupad ng batas para sa kapakanang pangkapaligiran ng naturang isla.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *