Kakulangan sa suplay ng NFA rice, paiimbestigahan ni Senador Cynthia Villar

Pinaiimbestigahan na ni Senador Cynthia Villar ang mga reklamo sa
kakulangan ng suplay ng NFA rice sa merkado.

Sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food
na maghahain siya ng resolusyon para maipatawag ang mga opisyal ng National Food Authority o NFA na busisiin ang mga report na
nagkaroon ng kakulangan sa suplay.

Kasama aniya sa kanilang bubusisiin ang mga reklamo ng pagtaas ng
presyo ng bigas dahil umano sa implementasyon ng train

Sen. Villar:
Malinaw naman na dapat mandate yan ng NFA and so ngayon nire-
review natin ang mandate ng NFA. Ano ba talaga ang role nila dito.
Kasi ang ating short lang sa rice ay 5 percent of demand, 500 thousand metric tons which NFA is allowed to import parang ako hindi ko nakikita saan nagkaka probema”.

Pero inamin ng Senador na tinitingnan rin nila ang posibilidad na pakana lang ito ng mga rice smuggler para lumikha ng artificial shortage at magkaroon ng batayan ng pagtaas sa presyo.

Sinisisi naman ng senador ang Department of Justice dahil sa tila kahinaan sa paghahabol laban sa mga smuggler.

Sa imbestigasyon aniya noon ng senado, may mga inirekomenda na silang makasuhan at mapapanagot sa batas dahil sa smuggling ng bigas pero wala pa ring nangyari.

Samantala, bahagi ng target ng gobyerno na magkaroon ng sapat na suplay ng pagkain, inilunsad ni villar ang gulayan sa lansangan para tulungan ang mga residente sa Tondo, Maynila na magtanim ng gulay.

Namahagi rin ito ng mahigit sampung libong fingerlings ng ibat ibang isda para sa kanilang livelihood opportunities ng mga residente ng Tondo Maynila.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *