Kalagayan ng mga tulay sa bansa, nais ipasiyasat ng isang Senador
Nangangamba si Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel kung ligtas pa sa mga motorista ang mga tulay sa buong bansa.
Kasunod ito ng pagbagsak ng isang tulay sa Bayambang, Pangasinan na ikinamatay ng isa katao.
Nais ni Pimentel na busisiin ang mga posibleng pagkakamali sa mga disenyo, specifications at construction ng mga tulay na bumigay tulad ng sa loay bohol nitong buwan ng Abril kung saan apat na katao ang nasawi at 15 naman ang sugatan.
Hindi lang aniya ang tulay sa Pangasinan ang bumagsak dahil may ilan pang mga tulay na gumuho tulad ng Borja bridge sa Catigbian, Kulafu river bridge sa Davao city; at ang Old bride sa Majayjay, Laguna.
Naaalarma si Pimentel sa naturang insidente at panahon na aniya na mabusisi ng mabuti ang structural integrity ng ating mga tulay sa pamumuno ng DPWH.
Naniniwala ang Senador sa mga isasagawang regular assessment ng DPWH ay posibleng maagapan ang muling pagguho ng mga tulay dahil agad itong makukumpuni.
Meanne Corvera