Kalagayan ni dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., stable na…PNP, mariing kinundena ang pananambang sa Gobernador
Itinuturing nang global problem ang mga nangyayaring suicide bombing sa Mindanao.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig.General Bernard Banac, hindi lamang ang Pilipinas ang dumaranas ng ganitong problema kundi maging ang iba pang mga malalaking bansa gaya ng Estados Unidos.
Kahit pa aniya may umiiral na Batas Militar sa Mindanao ay hindi pa rin sapat ito para sa mga taong pursigidong maghasik ng terorismo.
Base aniya sa mga nakuhang mga improvised explosive device na ginamit sa pinakahuling pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu, posibleng ito ay kagagawan ng mga local terrorist group gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Gayunman, tiniyak ni Banac na patuloy ang masusing pagbabantay ng PNP at AFP upang hindi mangyari ito sa Luzon at Visayas lalu na ngayong ‘ber’ months kung saan nagsisimula nang magdagsaan sa iba’t-ibang commercial establishments ang ating mga kababayan.
“Hindi pa matukoy ang motibo sa pananambang pero may mga leads na tinitingnan ang ating mga imbestigador at naroon sila ngayon patuloy pa rin nilang inaalam ang mga circumstances. Ginagawa na ng mga SOCO operatives natin para makuha na ang mga sasakyan, mga fingerprints at naghahanap na tayo ng mga possible witnesses na nakakita sa krimen”.