Kalahating milyon ng El Salvador population, gumagamit na ng bagong bitcoin wallet
Inanunsiyo ni president Nayib Bukele, na higit kalahating katao na ngayon ang gumagamit ng El Salvador bitcoin wallet.
Ang bansa na may 6.6 na bilyong katao ang unang gumamit ng bitcoin bilang legal na pera kasama ng US dollars, na dalawang dekada nang opisyal na pera ng bansa.
Ayon kay Bukele . . . “We currently have more than half a million users (of the Chivo wallet).”
Ang “Chivo Wallet” ay isang electronic application na maaaring i-download ng Salvadorans para makapagsagawa ng cryptocurrency transactions.
Ang pagdownload sa application ay may katumbas na $30 sign-up bonus.
Dagdag pa ni Bukele, karamihan sa naging techical errors ng wallet ay naresolba na, at ang software ay magiging fully operational na sa mga susunod na araw.
Nagkaproblema kasi ang initial rollout ng Chivo software makaraang mag-crash, kung saan nabawasan ng may 17% ang halaga nito.
Gayunman aniya . . . “Every day more and more businesses accept payments in bitcoin or dollars.”
Ayon sa gobyerno, sa pamamagitan ng proyekto ay mabibigyan ng pagkakataon ang Salvadorans na sa unang pagkakataon ay magkaroon ng access sa banking services, at umaasa ito na milyon ang mababawas sa mga komisyon sa remittances, na kumakatawan sa higit 1/5 ng GDP ng bansa.
Subalit may babala ang mga eksperto at regulators sa pagbabago-bago ng cryptocurrency, ang epekto nito sa price inflation sa isang bansa na malubha ang kahirapan at unemployment, at ang kakulangan ng proteksiyon para sa users nito.