Kalat-kalat na pag-ulan, asahan ngayong araw dahil sa umiiral na Amihan at Tail-end of Frontal system sa Luzon
Patuloy na binabantayan ng Pag-Asa ang Low Pressure Area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 890 kilometers Silangan ng Mindanao.
Wala pang direktang epekto sa alinmang bahagi ng bansa ang LPA ngunit sa mga susunod na araw ay inaaasahang aakyat ito sa Eastern Visayas na maaaring magdulot naman ng mag pag-ulan sa Kabisayaan.
Ngayong araw, Amihan o Northeast Monsoon pa rin ang umiiral sa Northern at Central Luzon habang sa Eastern section naman ng Southern Luzon ay umiiral ang Tail-end of frontal system na nagpapaulan sa Timugang bahagi ng Luzon.
Dahil sa Tail-end of frontal system ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Quezon province at Bicol region kasama ang mga lalawigan ng Mindoro, Romblon at Marinduque.
Ang Amihan na umiiral naman sa Northern at Central Luzon ay maaaring magdulot ng mga pagguho ng lupa at pagbaha kaya gawin ang ibayong pag-iingat.
Samantala, may nakataas na Gale warning sa mga baybayin ng:
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan islands, Isabela, Bataan, Zambales, Aurora, Eastern coast ng Quezon kasama ang Polilio islands, Camarines Norte, northern coast ng Camarines Sur, Catanduanes, Eastern coast of Albay, Eastern coast of Sorsogon, Northern at Eastern coast ng Northern Samar.