DOH tiniyak ang proteksiyon ng mga mag-aaral sa pagdaraos ng F2F classes
Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang kahandaan ng mga paaralan sa Metro Manila na mapipili para makasama sa pilot face to face classes.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario na mapangangalagaan ang mga mag-aaral kaya walang dapat ipag-alala ang mga magulang.
Maliban sa mga safety measure, sumasailalim din ang mga paaralan sa mahigpit na assessment upang ma-evaluate ang kanilang kahandaan bago mapili sa pilot resumption ng face to face class.
Bukas, Nov. 15 inaasahang magsisimula na sa kanilang physical classes ang may 100 Public at 20 Private school sa labas ng Metro Manila.
Ang mga napiling paaralan ay dumaan sa evaluation ng DOH Epidemiology Bureau at natukoy bilang nasa minimal o low risk areas.