Kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel pangunahing inaalala ng pamahalaang Pilipinas ayon sa Kamara
Umapila ngayon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga Pilipino na nasa bansang Israel na ipagpauna ang kanilang kaligtasan dulot ng pag-atake ng grupong Hamas Militant Group sa Israel sa area ng Gaza Strip.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nakatutok na ang Department of Foreign Affairs o DFA sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv kasama ang Department of Migrant Workers o DMW at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA para sa kaligtasan ng mga Pinoy na nasa Israel.
Nakikiisa ang liderato ng Kamara sa pagkondena sa madugong pag-atake ng Hamas Militant Group sa Israel na ikinamatay ng mahigit dalawang daang mga inosenteng sibilyan at inaasahan na sa lalong madaling panahon ay bumalik sa normal ang sitwasyon sa tulong ng United Nations.
Batay sa record ng DFA tinatayang nasa 35 libong mga pinoy ang nasa Israel na karamihan ay nagtratrabaho bilang mga domestic helpers at Caregivers.
Pahayag House Speaker Martin Romualdez;
I join voices from around the world in strongly condemning the heartbreaking attacks against innocent civilians in Israel.
The devastation and loss suffered by families during such significant moments of reverence are beyond words.
It is a reminder that the path of violence only deepens wounds and rifts.
I urge all involved parties, especially the militant rulers of Hamas, to pave a way toward a peaceful resolution.
The history of this region has seen enough bloodshed; sustainable peace is the only way forward.
To our Filipino brothers and sisters living or working in Israel, my thoughts are with you.
The Departments of Foreign Affairs (DFA) and Migrant Workers (DMW), and Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) are now working overtime to ensure your safety and well-being. Please remain vigilant and prioritize your safety during these turbulent times.
Your welfare is a matter of paramount importance to us.
I align myself with the sentiments of global leaders and advocates for peace, emphasizing that dialogue and understanding are paramount.
True change can only be achieved when we respect and protect the rights of civilians, as stipulated under international law.
May peace prevail in the region and may the global community come together to support a harmonious resolution to this longstanding conflict.
Vic Somintac