Kalinga province, lumahok sa first quarter National Simultaneous earthquake drill
Pinangunahan ng Pamahalaang Panglalawigan ng Kalinga at iba’t-ibang ahensya ang paglahok sa unang National Simultaneous Earthquake drill ngayong taon.
Binigyang-diin ni Governor Ferdinand Tubban sa mga residente ang kahalagahan ng paglahok sa ganitong mga aktibidad upang maging handa sa mga kalamidad gaya ng lindol.
Inobliga ng Provincial Government ang lahat ng mga residente, mga nasa munisipyo at iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno maging ng mga pribadong sektor ang paglahok at pagsanay sa pagsasagawa ng Duck, Cover and Hold na isa sa mabisang paraan para mailigtas ang sarili tuwing may lindol.
Xian Renzo Alejandro, EBC Correspondent