Kalinga State University student leaders, Pag-asa Youth Association at Sangguniang Kabataan, nagsagawa ng clean up drive
Matagumpay na naisagawa ang clean up drive sa kahabaan ng Magsaysay, Tabuk City, Kalinga.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Unibersidad ng Kalinga student leaders sa mga kinatawan ng Pag-asa Youth Association at Sanggunian Kabataan.
Bagamat bakasyon na ng mga estudyante at kahit umaambon pa, ay itinuloy pa rin ng mga kabataang ito ang paglilinis at pagpupulot ng iba’t-ibang kalat sa kahabaan ng daan.
Ang naturang aktibidad ay palatuntunan ng Pag-asa Youth Association at Sanggunian Kabataan.
Layon nito na maging mas produktibo ang bawat indibidwal, at kung paano maging responsable sa pamayanan at kapaligiran, at upang mahikayat na rin ang iba pang mga kabataan kung paano alagaan at mahalin ang kapaligiran.
Ayon sa grupo, kung patuloy na susuportahan ang paglilingkod sa pamayanan sa pamamagitan ng clean up drive, ay matitiyak ang pananatiling malinis at maganda ng kapaligiran sa komunidad, at mapoprotektahan na rin sa pinsalang maaaring idulot ng mga kalamidad.
Ulat ni Esther Batnag