Kalusugan ng mga bata, hindi dapat isakripisyo sa hirit na physical classes
Nagbabala si Senador Christopher “Bong” Go sa posibilidad ng pagkalat ng virus kapag ipinilit ang physical classes.
Sa harap ito mg plano ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng dry run sa posibleng pagsisimula ng face to face classes sa Enero.
Pero giit ni Senador Go, hindi dapat madaliin ang face to face classes.
Nauunawaan nya aniya ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kabataan pero hindi dapat ilagay sa alanganin ang kanilang kalusugan.
Babala ng Senador, kapag may isang nagpositibo sa mga estudyante, hindi malayong magkaroon ng hawaan ng virus.
Senador Bong Go:
“Ako naman, personally No Vaccine, No face to face classes pa rin po kasi po pag may nagpositibo dyan na isa, magsasara na naman ang eskwelahan, back to zero na naman po, back to square one, contact tracing na naman. Eh ilang buwan na lang naman po magsasara na ang eskwelahan, antayin na lang po natin ang vaccine para po unti-unti makapag-adjust na tayo makabalik na tayo sa normal nating pamumuhay. Pero yung stand ko po na No Vaccine, No face to face classes. Pangalawa, ang sabihin nila kailangan ng consent ng magulang, sa tingin nyo ba may mga magulang na magbibigay ng consent”.
Meanne Corvera