Kalusugan ng mga evacuees sa QC, tiniyak na nasusubaybayan
Tiniyak ng Quezon City government na mayroong child friendly space at lactating area, mga center at gamot sa mga Evacuation centers para sa agarang medical attention ng mga inilikas.
Binibigyan din ng hot meals at relief packs ang mga evacuees.
Bukod dito, namahagi din ng libreng Vitamin A supplement ang City Health Department para sa mga batang nasa evacuation center.
Ang mga inilikas ay nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan sa tulong ng Barangay officials, Health workers, at Social workers.
Titiyakin din ng City Government na sa pag-uwi ng mga evacuees sa kanilang tahanan ay ligtas sila sa Covid-19, tulad ng ginawa noong humagupit ang bagyong Rolly.
Belle Surara